Sa 11AM update mula sa PAGASA, ang tropical depression Marce ay huling namataan sa 160 km East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 17 kada oras sa direksyong West Northwest.
Ayon sa PAGASA, nakataas ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
(LUZON)
Romblon
Cuyo Island
(VISAYAS)
Leyte
Southern Leyte
Bohol
Cebu
Bantayan Island
Camotes Island
Siquijor
Negros Oriental
Negros Occidental
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique
Guimaras
(MINDANAO)
Surigao del Norte
Siargao Island
Surigao del Sur
Dinagat Islands
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Misamis Oriental
Camiguin
Ngayong tanghali ay posibleng tumama ang bagyong Marce sa kalupaan ng Surigao.