Bagyong Marce, tatama sa kalupaan ng Siargao ngayong araw; signal #1 nakataas sa 13 lugar

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2016 - 06:13 AM

Napanatili ng tropical depression Marce ang lakas nito habang kumikilos sa direksyong pa-kanluran sa bahagi ng Mindanao.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 240 kilometer East Northeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras .

Kumikilos ito sa direksyong West Northwest wsa bilis na 17 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, ngayong hapon o gabi ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Surigao ang bagyong Marce.

Nakataas naman ang public storm warning signal number 1 sa Southern Leyte, Bohol, Cebu, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Surigao del Norte, Siargao Island, Surigao Del Sur, Dinagat Islands, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Misamis Oriental at Camiguin.

Ang mga residente sa nabanggit na mga lalawigan ay pinag-iingat ng PAGASA sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides.

Sa Lunes pa ng umaga inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

 

 

TAGS: Pagasa, Tropical Depression, Tropical Depression Marce, Weather Update in Philippines, Pagasa, Tropical Depression, Tropical Depression Marce, Weather Update in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.