Sa kabila nito, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr. na walang dapat ipagkabahala dahil kahit humihina ang emerging market currencies tulad ng piso, isa naman itong global phonomenon dahil nakakayanan pa rin nito ang lakas ng US dollar.
Nagsara ang halaga ng piso sa pinakamababang lebel nito noong November 20, 2008 sa 49.999:$1.
Sa Philippine Dealing System, umabot sa 49.94:$1 ang pinakamababang ipinalo ng piso kahapon, at ang pinakamataas naman ay 49.82:$1.
Ayon pa kay Tetangco, nasa magandang posisyon pa sa puntong ito ang ekonomiya kahit pa humihina ang lagay ng piso.
MOST READ
LATEST STORIES