Pagpapaigting ng economic cooperation, sentro ng usapin nina Duterte, Putin at Xi

 

Sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas matapos dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ meeting, ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang mga natalakay sa pakikipagpulong niya kina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping sa sidelines.

Ayon kay Pangulong Duterte, naka-sentro sa economic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at ng Russia, at China ang kanilang mga napag-usapan.

Sa kanila namang pulong ni Xi, napag-usapan nilang dapat na mas pabilisin na ang pagpapatupad ng mga kasunduang pang-ekonomiya na nabuo sa pagbisita ni Duterte sa China noong nakaraang buwan.

Pareho aniya sila ni Xi na nag-bigay na ng utos sa kani-kanilang mga gobyerno na gumamit ng coordinated mechanisms upang matiyak ang “timely follow up” at implementasyon ng kasunduan.

Hindi naman aniya natalakay sa kaniyang mga pakikipagpulong sa dalawang pangulo ang anumang usapin tungkol sa military affairs.

Samantala, nabanggit rin ng pangulo na welcome sa kaniya ang imbitasyon ni Putin na bumisita siya sa Russia, ngunit hindi niya pa ito magawa ngayon dahil aminado siyang mahina siya sa malamig na panahon.

Read more...