Hanging habagat nananalasa na ngayon sa Visayas, papuntang Luzon
Nananalasa na ngayon sa mga lalawigan sa Visayas ang habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna.
Ang direksyon ng habagat ay paakyat ng Luzon at inaasahang mararamdaman ang epekto nito sa Metro Manila simula bukas. Posibleng hanggang sa weekend maramdaman ang epekto ng habagat sa Metro Manila, at hihina lamang ito pagsapit ng Martes.
Sa ngayon nakataas pa rin ang Orange rainfall warning sa lalawigan ng Negros at Guimaras.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), intense o matinding pag-ulan ang nararanasan na sa dalawang lalawigan simula kaninang umaga.
Nagbabala ang PAGASA ng pagbaha at landslides sa mga lugar na apektado ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.
Maliban sa Guimaras at Negros, sinabi ng PAGASA na apektado na ri ng mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan ang ilang bahagi ng Cebu partikular ang Balamban, Pinamungahan, Aloguinsan, Metro Cebu at ang southern na bahagi ng Cebu.
Sa Mindanao naman, katamtaman hanggang sa minsang malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Zamboanga Peninsula, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Bukidnon, Agusandel Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Compostela Valley, Davao del Norte, Cotabato City, Sultan Kudarat, Maguindanao, South Cotabato, Sarangani, Sulu at Tawi-Tawi./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.