Duterte sa Marcos burial: Tungkulin kong sundin ang batas

By Kabie Aenlle November 24, 2016 - 04:36 AM

 

marcos burial protest 3Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na sinunod lang niya ang batas nang magdesisyon siya na payagang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Iginiit ng pangulo na sinumpaan niyang tungkulin ang sumunod sa batas, at na lagi niyang isinasaalang-alang ang kapakanan at ikabubuti ng nakararami sa kaniyang mga desisyon.

Kaugnay nito ay hinamon niya ang mga nagpo-protesta laban sa Marcos burial, at sinabing magbibitiw siya sa pwesto kung masasagot nila ng ‘hindi’ ang kaniyang mga tanong.

Ang mga tanong ni Pangulong Duterte ay: “Was the late Ferdinand Marcos a president? Was he a soldier?”

Gayunman, tiniyak naman ng pangulo sa iba’t ibang grupo na tutol sa Marcos burial na malaya silang mag-protesta kahit na magkaiba sila ng mga pananaw dahil bahagi ito ng demokrasya.

Sinabi rin ni Duterte na makasisiguro ang mga grupong ito na habang sila ay nagpo-protesta, nasa loob lang ng kanilang mga kampo ang mga militar, ngunit kailangan pa rin ng ilang mga pulis upang mandohan ang trapiko sa mga kalsadang kanilang gagamitin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.