Mag-ama, arestado sa tanim na marijuana

By Jong Manlapaz November 24, 2016 - 04:34 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang mag-amang Robert Taraya, 46 yrs old at John Kenneth Taraya, 21 yrs old matapos mahulihan ng marijuana na nakatanim sa paso sa Infanta street, Brgy.133, Balot, Tondo, Maynila.

Ayon kay Manila Police District Station 1 commander PSupt. Robert Domingo, habang nagsasagawa ng oplan tokhang ang kanilang tropa sa nabanggit na lugar, Nakita sa labas ng bahay ng mag-amang suspek ang marijuana na nakatanim pa sa isang paso.

Maliban sa nakatanim na marijuana, nakuhaan din ang mga suspek ng apat na sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at isang plastic box na pinaglalagyan ng mga buto ng nabanggit na ipinagbabawal na halaman.
Nabatid na ang anak na si John Kenneth ay nasa drug watchlist ng mga otoridad.

Sa ngayon nahaharap ang mag-amang Taraya sa kasong paglabag sa RA 9165 at wala umanong katumbas na piyansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.