Grace Poe payag na kasuhan ng Plunder si Binay

May 29, 2015 - 11:00 PM

bipoeKinumpirma ni Senate Blue Ribbon Sub-committee Chairman Senator Koko PImentel III na isa si Senator Grace Poe sa mga lumagda na sa draft report ng Sub-Committee na nagrerekomendang makasuhan ng plunder si Vice President Jejomar Binay, anak nitong si Makati Mayor Junjun Binay at iba pang sinasabing sangkot sa overpriced Makati Parking Building.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pimentel na agad lumagda si Poe ilang oras matapos niyang iendorso dito ang report at mabasa ito ng Senadora. Sinabi ni Pimentel na updated si Poe sa takbo ng hearing, kaya hindi na siya nagulat nang lumagda ito sa draft report.

Maliban kina Pimentel at Poe, pumirma na rin sa draft report sina Senators Antonio Trillanes IV at Alan Peter Cayetano.

“Meron na akong apat na pirma, ako, si Trillanes, (Alan) Cayetano at Grace Poe. Hindi ako surprised na pumirma si Sen. Grace, updated siya sa hearing, nung sinabi kong may partial report na ako, binasa niya, after few hours pumirma na siya,” sinabi ni Pimentel.

Ayon kay Pimentel, sa susunod na Linggo mayroon pang tatlong Senador na nakatakdang pumirma sa draft report. Kailangan umano niyang maka-siyam na pirma para mai-disclose ang nilalaman ng report.

Pero ayon sa sources ng Inquirer, lumalabas sa partial report ng Sub-committee na nagkaroon ng “grand conspiracy” para pagkakitaan ang pagtatayo ng Makati Parking Building na overpriced umano ng aabot sa P2.3 bilyon.

Maliban sa mag-amang Binay, pinakakasuhan din ng plunder ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) ng Makati City Hall, si Hilmarc Construction Corp. President Robert Henson, Board Chair Efren Canlas, Mana Architecture and Interior Design Co. owner Orlando M. Mateo at ang staff ni Vice President Binay na sina Gerardo “Gerry” Limlingan at Eduviges “Ebeng” Baloloy. / Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: binay, grace poe, plunder, binay, grace poe, plunder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.