Gayunman, isang media regulator ang nakapuna na tila sumobra na yata sa pagpapakita ng karahasan ang nasabing teleserye.
Iniimbestigahan ngayon ng English television board na Ofcom ang AMC cable channel, matapos silang makatanggap ng maraming mga reklamo mula sa mga viewers na nagsabing sumobra na ang ipinakitang graphic violence sa palabas.
Partikular na pinuna ng mga manonood ang eksena kung saan pinatay ng kontrabidang si Negan na ginangampanan ni Jeffrey Dean Morgan, ang mga karakter nina Steven Yeun na si Glen, at ni Michael Cudlitz na si Abraham, gamit ang baseball bat na pinapalibutan ng barbed wire.
Ayon sa tagapagsalita ng Ofcom, iniimbestigahan nila ang mga nasabing eksena dahil sa umano’y “very strong violence” at aalamin nila kung na-justify ba ito sa konteksto.
Dumagsa pa rin ang mga reklamo sa kabila ng pahayag ng FOX UK na binawasan nla ang mga violent barbaric scenes para sa mga British audience sa pamamagitan ng pagbawas sa kung ilang beses hinampas ni Negan ang kaniyang mga biktima.
Sa inilabas naman nilang pahayag, tiniyak ng FOX UK na tutulong sila at makikisama sa imbestigasyon ng media regulatory board.