NBA legend Gary Payton, nag-enjoy sa pakikisalamuha sa Pinoy fans

By Kabie Aenlle November 24, 2016 - 04:32 AM

 

Mark Giongco/Inquirer

Ikatlong beses na niyang pumunta sa Pilipinas, pero nag-enjoy pa rin si NBA legend Gary Payton sa pakikisalamuha sa kaniyang mga Pinoy fans.

Tumungo kasi si Payton sa Ayala Center sa Cebu, kung saan nagbukas ang ika-apat na NBA store sa Pilipinas.

Dumating ang one-time NBA champion at two-time Olympic gold medalist sa Maynila kahapon, at matagal-tagal rin siyang humarap sa media sa sa flagship NBA store sa Glorietta 3 sa Makati City para sa kaniyang meet-and-greet.

Ang NBA store sa Cebu ang kauna-unahang store sa Visayas, na naglalayong mas ipaabot sa mas maraming fans sa bansa.

Ayon kay Payton, labis ang kaniyang kasiyahan dahil sa dami ng mga fans na pumunta para siya ay makita nang personal, humingi ng autographs at maki-selfie.

Natutuwa aniya siya sa tuwing pumupunta siya sa mga lugar kung saan marami siyang fans, at nakikita niya kung gaaano siya kapopular sa mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.