Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang bubuwagin ang Energy Regulatory Commission (ERC) kung hindi pa rin magbibitiw sa kani-kanilang mga puwesto ang mga opisyal nito.
Matatandaang noong nakaraang linggo, hinamon ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng ERC na lisanin ang kanilang mga posisyon matapos magpakamatay ang isa sa director ng ERC dahil umano sa katiwalian.
Sa kanyang pag-uwi mula sa APEC summit kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na kung ayaw umalis sa puwesto ng mga ERC officials, kanya na lamang itong bubuwagin.
Giit pa ng pangulo, kung gusto pa ng mga naturang opisyal, maaari na silang manatili sa posisyon habambuhay ngunit wala na itong pondong makukuha mula sa pamahalaan.
Una nang iginiit ng mga opisyal ng ERC na hindi sila aalis sa puwesto hangga’t hindi sila dumadaan sa kaukulang ‘due process’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.