Power, ICT sector, bubuksan ng pangulo sa mga foreign investors

By Jay Dones November 24, 2016 - 04:38 AM

 

Duterte Peru2Dumating na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang pagdalo sa APEC summit sa Lima, Peru.

Pasado alas 11:00 ng gabi, dumating ang pangulo sa Davao City kasama ang kanyang delegasyon na dumaan pa muna sa New Zealand bago lumapag sa Davao City.

Sa kanyang arrival speech, ipinagmalaki ni Pangulong Duterte ang kanyang mga naiuwing magagandang balita mula sa kanyang pagdalo sa kauna-unahang APEC summit.

Isa aniya sa kanilang binuksang usapin sa mga dumalo sa APEC ay ang mga priority areas na maaring paglaanan ng investments sa bansa at ang maayos na ugnayan para sa economic cooperation.

Samantala, upang palakasin rin aniya ang sektor ng enerhiya at communicaitons technology sa Pilipinas, napagdesisyunan ng Pangulo na buksan ito sa foreign investors .

Kanya na aniyang aatasan ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na silipin ang mga regulatory requirements upang maging madali sa mga bagong ‘players’ ang energy at power sector.

Magiging bukas din sa lahat ang kompetisyon at hindi lamang sa iilang mayayamang korporasyon upang maging patas para sa lahat at mapabilis ang pag-unlad ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.