Signal number 1, itinaas na sa 12 lugar dahil sa bagyong ‘Marce’

 

Mula sa pagiging Low Pressure Area, tuluyan nang naging Tropical Depression ang bagyong ‘Marce’ at inaasahang magla-landfall ito sa Surigao province bukas.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, napanatili ng bagyong Marce ang lakas nito aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 55kph.

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Southern Leyte, Bohol, Siquijor, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Island, Agusan de Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental at Camiguin.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa darating na Lunes.

Read more...