De Los Santos Med at International SOS Phils., nagkasundo sa dekalidad na serbisyo medical

Untitled
Contributed photo

Nagkasundo ang isang ospital at isang medical and travel security risk services company para sa pangangailangan ng publiko sa aspeto ng kalusugan at seguridad.

Layon ng Memorandum of Agreeement (MOA) sa pagitan ng De Los Santos Medical Center sa International SOS Philippines na matugunan ang medical at security needs ng kanilang mga kliyente, empleyado at affiliates.

Ayon kay De Los Santos Med President and CEO Raul Pagdanganan, patunay ang partnership na international standard na ang kanilang healthcare.

Isa namang karangalan sa International SOS Philippines na natitiyak nila ang access ng publiko sa malaki, dekalidad at pinagkakatiwalaang providers gaya ng De Los Santos Med.

Read more...