Kerwin Espinosa Jr., paulit-ulit binanggit sa kaniyang affidavit na wala siyang Blue Book

Inquirer Photo | Richard Reyes
Inquirer Photo | Richard Reyes

Paulit-ulit na binanggit ni Kerwin Espinosa Jr., na wala siyang blue book sa kaniyang pagharap sa pagdinig sa Senado.

“Sa sarili ko, ako talaga ang makapagsalita nito. Wala kong blue book. Wala akong blue book. Inuulit ko, wala akong blue book,” ayon kay Espinosa.

Sinabi ni Espinosa na hindi niya kailangan ng blue book dahil iilan lamang naman ang taong protektor ng ilegal na droga sa Region 8.

Hindi umano magiging mahirap para sa kaniya ang matandaan ang pangalan ng mga nabibigyan ng protection money.

Ayon pa kay Kerwin, paikot-ikot lang naman ang pangalan ng mga tumatanggap ng payola sa nasabing rehiyon.

Una nang sinabi ni Albuera Police chief, Chief Insp. Jovie Espenido na isang blue book na naglalaman ng mga transaksyon ni Kerwin sa ilegal na droga ang kanilang nakuhang ebidensya mula sa umano ay accountant o sekretarya ni Kerwin.

 

 

 

Read more...