Signal # 1 itinaas ng PAGASA sa Batanes, Ibayat, Calayan at Babuyan Group of Islands

August 06, 2015 - 12:15 PM

12nn hanna satLalo pang humina ang bagyong Hanna habang patuloy na kumikilos sa itaas na bahagi ng lalawigan ng Batanes.

Gayunman, sa kabila ng paghina ng bagyo, nadagdagan pa ang mga lugar na isinailalim ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa public storm warning signal number 1.

Kabilang dito ang lalawigan ng Batanes, kasama ang Itbayat, ang Calayan at ang Babuyan Group of Islands.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, 165 kilometers kada oras na lamang ang taglay na lakas ng hangin ng bagyo at may pagbugsong aabot sa 200 kilometers kada oras.

Huli itong namataan sa 825 kilometers East ng Basco Batanes.

Ayon sa PAGASA naghahatid ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa loob ng 700 kilometer diameter nito.

Hindi nababago ang kilos ng bagyong Hanna sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers kada oras.

Ayon sa PAGASA sa Sabado ng umaga inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Hanna./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: upadte on typhoon hanna, upadte on typhoon hanna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.