Pagtanggap ng pera ng sinibak na CIDG Region 8 Director mula sa mga Espinosa, nakuhanan ng CCTV

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2016 - 12:41 PM

Grab from PTV
Grab from PTV

Nakuhanan umano lahat ng video ng CCTV camera sa hotel ang pag-abot ng pera ng napatay na si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. sa sinibak na si Supt. Marvin Marcos na dating hepe ng CIDG-Region 8.

Kwento ni Kerwin Espinosa Jr., sa kaniyang pagharap sa Senado, hiningan siya ng P3 milyon ni Marcos para daw pantulong sa kampanya ng asawa nito na noon ay kumakandidatong Vice Mayor sa bayan ng Pastrana sa Leyte.

Ani Espinosa, May 7, 2016 nang iabot mismo ng kaniyang ama kay Col. Marcos ang paunang P1.5 million.

At noong May 8, 2016, o isang araw bago ang eleksyon, muling iniabot ng nakatatandang Espinosa ang dagdag na P1 million kay Marcos.

Noong ikalawang abutan, nagmamadali pa umanong umalis si Marcos para maihatid na sa kaniyang asawa ang pera dahil nga bisperas na ng halalan.

Ang dalawang transaksyon ay naganap sa harap mismo ng hotel na pag-aari ng mga Espinosa at sinabi ni Kerwin na isang libong porsyento siyang nakatitiyak na nakuhanan ito ng CCTV camera sa hotel.

Ang problema ayon kay Kerwin, ang mga CCTV at ang hard drive nito ay kinumpiska lahat ni Maj. Jovie Espenido, hepe ng Albuera Police.

“Yung pagbigay ng pera, ang pagkikita ni Daddy at Col. Marcos, 1000% ako sure na nakuha ‘yun sa CCTV ng hotel. Ang tanong, asaan ang CCTV? Nasaan ang hard drive ng CCTV? Kinuha ni Sir Jovie yung hard drive ng CCTV dinala sa police station,” ani Espinosa.

Habang tila ibinubuking ni Espinosa, nakatitig lamang sa kaniya si Marcos na noon ay nasa session hall din ng Senado at dumadalo sa pagdinig.

Kwento pa ni Kerwin nang manalo ang kaniyang ama bilang mayor sa Albuera, Leyte, humingi pa sa kanila ng bonus si Col. Marcos at binigyan niya pa ito ng dagdag ng na P500,000.

 

 

TAGS: Albuera Leyte, CIDG Region 8, drugs, Kerwin Espinosa Jr, Marvin Marcos, senate hearing, Albuera Leyte, CIDG Region 8, drugs, Kerwin Espinosa Jr, Marvin Marcos, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.