3 patay sa pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Sta. Maria, Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon November 23, 2016 - 11:29 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

(UPDATE) Umakyat na sa tatlo ang nasawi sa naganap na pagsabog ng pagawaan ng kwitis sa Sitio Banca-Banca, Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ni Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria Police ang mga nasawi na sina Ashley Mayo- 2 years old, kapatid nito na si Brylee Mayo – 5 years old at ang kanilang ina na si Mary Grace Mayo, 28 anyos na naputulan ng dalawang paa.

Sugatan naman sina Ryan Mag Nai – 31 years old, Raymund Montanten, Jay Ar Mejares, Nelson Duque at Johnny Hompak – 29 na nagtamo ng mga minor injury sa katawan.

Nabatid na dakong alas 9:15 ng umaga kanina ng sumabog ang AA Firecracker Manufacturing na pag-aari ni Wilfredo Alonzo.

Lumalabas sa imbestigasyon na gumagawa ng kwitis ang tatay ng ng mga nasawi ng magspark dahilan uoang ihagis at bumagsak sa imbakan ng mga kwitis at pulbura na naging dahilan ng pagsabog.

Dahil sa lakas ng impact nadamay ang ilang kalapit na bahay na imbakan at pagawaan din ng kwitos at mga katabing piggery.

Magdadala lamang ng pagkain ang mga nasawi ng pagkain sa kanilang tatay na si benjie mayo na gumagawa sa pagawan ng kwitis ng maganap ang pagsabog.

Nagpapatuloy naman ng imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

 

 

TAGS: Bulacan, fire, firecracker, sta. maria bulacan, Bulacan, fire, firecracker, sta. maria bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.