Isa pang drug suspect patay sa Sta. Maria, Bulacan

By Ricky Brozas November 23, 2016 - 09:44 AM

shabuPatay sa police operation ang isang drug suspect sa Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Wilson Asejo ng Brgy. Catmon.

Nabatid na nasa watchlist ng Barangay ang suspek dahil sa pagpapakalat ng droga sa lugar na pinalaganap pa nito hanggang sa mga karatig na Barangay.

Wala umanong balak na sumuko sa Oplan tokhang ang suspek dahil mas dumami pa ang parokyano nito.

Nabatid na bumunot ng baril si Deboria nang aktong huhulihin na siya ng mga pulis kayat inunahan na siyang paputukan.

Narekober sa suspek ang pitong sachet ng shabu, isang kalibre 45 at P500 na marked money.

Kaninang nadaling araw ay napatay din ang isang notoryus na drug supplier sa Malolos, Bulacan.

 

 

TAGS: drug suspect, shabu, sta. maria bulacan, drug suspect, shabu, sta. maria bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.