Kerwin Espinosa Jr., dinala na sa Senado
Bago mag 6:30 ng umaga, umalis ng Camp Crame ang convoy na naghatid kay Kerwin Espinosa Jr. sa Senado.
Natagalan bago makaalis ng headquarters ng Philippine National Police (PNP) ang convoy na unang itinakdang umalis ng alas 4:00 ng madaling araw.
Dalawang convoy ang magkasunod na lumabas sa Camp Crame at hindi binanggit kung saan doon isinakay si Kerwin para na rin sa kaniyang seguridad.
Nagsagawa muna ng pagpupulong ang mga tauhan Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) para siguraduhin ang ilalatag na security measure sa paghatid kay Kerwin sa Senado.
Ilang minuto bago mag alas 7:00 ng umaga nang dumating sa Senado ang convoy na sinasakyan ni Kerwin.
Si Kerwin ay nakatakdang humarap sa pagdinig ng Senado ngayong araw.
Kaninang madaling araw, kinumpirma ng legal division ng AIDG na nalagdaan na ni Kerwin ang 27-pahinang affidavit na nakatakda niyang isumite sa Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.