LPA binabantayan ng PAGASA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo

By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2016 - 06:25 AM

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bayan ng Hinatuan sa lalawigan ng Surigao Del Sur.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa 730 kilometer east ng Hinatuan.

Sinabi ng PAGASA na posibleng maging isang tropical depression ng nasabing LPA sa susunod na mga oras at papangalanan itong “Marce”.

Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, hindi naman ito magiging malakas na bagyo pero nakapagpapaulan na sa malaking bahagi ng bansa.

Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na nakararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag ulan ang Visayas, Mindanao at Bicol Region.

Posibleng tumagal hanggang Sabado ang pag-ulan sa nasabing mga lugar.

Habang isolated na pag-ulan lamang ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

 

 

 

TAGS: Hinatuan Surigao Del Sur, LPA, Pagasa, Philippine weather, weather advisory, weather news, Hinatuan Surigao Del Sur, LPA, Pagasa, Philippine weather, weather advisory, weather news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.