Marcos burial, tahasang pambabastos sa judicial process – Drilon
Kinondena ni Sen. Franklin Drilon ang palihim at madaliang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).
Aniya, dahil lang sa katwiran na pagkaka-lift ng status quo ante order (SQAO) ay bigla na lamang dinala ang mga labi ni Marcos sa LNMB.
Nakabinbin pa aniya ang kaso sa Korte Suprema, at may nakalaan pang panahon para sa mga motion for reconsideration, ngunit isinagawa agad nila ang libing.
Aniya, isa itong tahasang pambabastos sa judicial process, at hindi dapat gamiting dahilan ang desisyon ng korte hangga’t hindi pa nasasagad ang panahon para sa mga motion for reconsideration.
Ramdam din ni Drilon ang matinding pagkadismaya ni dating Pangulong Fidel Ramos kaugnay sa Marcos burial, na itinuring niya pang pambabastos sa mga katulad niyang beteranong sundalo.
Samantala, nang tanungin naman siya tungkol sa panukala ni Senate President Koko Pimentel na palitan na ang pangalan ng LNMB at gawin na lang “Libingan ng mga Makasaysayang Pilipino,” iginiit ni Drilon na hindi na nito mababago ang mga pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.