Meeting sa New York Times, biglang kinansela ni Donald Trump

By Kabie Aenlle November 23, 2016 - 04:26 AM

 

Trump-Racist-Support-620x481Biglaan na lamang kinansela ni US President-elect Donald Trump ang isang nakatakdang pakikipagpulong sa New York Times noong Martes.

Inakusahan kasi ni Trump ang organisasyon ng pagbabago sa mga kondisyon para sa kanilang session sa mga huling sandali bago ito maganap.

Itinanggi naman ito ng New York Times, at sinabing ang kampo ni Trump ang gumawa ng mga pagbabago sa mga napag-usapan nilang patakaran.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Trump na baka sa susunod na lang sila magtatakda ng meeting sa New York Times dahil sa ngayon aniya, ipinagpapatuloy pa rin nito ang maling pagbabalita tungkol sa kaniya na may hindi magandang tono.

Paliwanag ng kanilang senior vice president for communications na si Eileen Murphy, wala silang binago sa ground rules at kailanman hindi nila ito sinubukang gawin.

Ayon pa kay Murphy, sinubukan ng mga aides ni Trump na baguhin ang mga kondisyon, at hiniling na gawin na lang pribado ang meeting na walang ire-record na kahit ano.

Gayunman, hindi aniya sila pumayag dito at iginiit nila na ituloy na lamang ang orihinal na plano.

Noong Lunes ay nakipagpulong rin si Trump sa mga kinatawan ng mga television networks.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.