Azkals, tabla sa Indonesia sa Suzuki Cup

By Kabie Aenlle November 23, 2016 - 04:25 AM

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Buhay na buhay pa rin ang pag-asa ng Philippine Azkals na makapasok sa semifinals ng AFF Suzuki Cup, matapos ang 2-2 draw nila sa Indonesia.

Ito’y dahil sa free kick ng Azkals mula sa 25 yards noong 81st minute na nakabura sa strike ni Boas Salossa sa bandang second half ng laro.

Dahil sa tabla na ito, napunta na sa second spot ang Azkals na may dalawang puntos na bitbit patungo sa final match.

Gayunman, dahil nga tabla ang naging resulta ng laban, pasok rin ang Indonesia at Singapore sa huling semifinal spot sa grupo.

Nauwi kasi sa scoreless draw ang laban ng Azkals sa Singapore noong Sabado.

Makakaharap naman ng Pilipinas ang Thailand sa Philippine Sports Stadium, habang kasabay naman nitong magaganap ang laban ng Indonesia kontra Singapore sa Rizal Memorial Stadium sa Biyernes, alas-8:00 ng gabi.

Sakaling manalo ang Azkals sa Thailand, matatapos na ang mga komplikasyon, dahil magiging tiyak na ang kanilang pwesto sa susunod na round para sa fourth straight edition ng laban.

Kung mauwi naman ito sa draw, ibig sabihin ay kung sino ang mananalo sa laban ng Indonesia at Singapore ang makakausad sa semifinals.

Pero kung tabla ang parehong laban, uusad naman ang Azkals sa next round.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.