Karapatan nina Dayan at Espinosa dapat igalang ayon kay De Lima

By Jan Escosio November 22, 2016 - 07:32 PM

de-lima-dayan
Inquirer file photo

“Huwag na ninyo silang pahirapan pa, mga kriminal man sila o hindi”.

Ito ang panawagan ni Sen. Leila De Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagkakaaresto sa dati niyang driver bodyguard na si Ronnie Dayan.

Nais din ni De Lima na tratuhin ng tama si Dayan maging si Kerwin Espinosa at iba pang testigo laban sa kanya.

Umapila din ang senadora na huwag ng gawing drama ang paninira sa kanya sabay hamon na kasuhan na lang siya at haharapin niya ang mga ito sa korte.

Binanggit pa ni De Lima na inuungkat ang inamin na niyang naging relasyon nila ni Dayan para papaniwalain ang publiko na naging bagman niya ito sa mga drug lords.

TAGS: dayan, de lima, espinosa, Illegal Drugs, Senate, dayan, de lima, espinosa, Illegal Drugs, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.