Dayan: Hindi ako protektado ng mga pulitiko

By Den Macaranas, Ruel Perez November 22, 2016 - 07:21 PM

Ronnie Dayan1Nilinaw ni Ronnie Dayan na walang pulitiko kundi mga kamag-anak lamang ang tumulong sa kanyang pagtatago sa nakalipas na mga buwan.

Sa kanyang pagharap sa media sa Camp Crame, sinabi ni Dayan na nanatili siya ng mahabang panahon sa Sitio Turod, Brgy. San Felipe sa bayan ng San Juan La Union.

Ipinaliwanag rin ng dating driver, bodyguard at lover ni Sen. Leila De Lima na hindi siya sinaktan o tinakot ng mga tauhan ng Philippine National Police na umaresto sa kanya.

Sinubukan rin umano niyang takasan angmga pulis pero nahirapan siya dahil sa pananakit ng kanyang mga paa dulot ng mataas na uric acid.

Aminado si Dayan na halos araw-araw ay sitaw ang kanyang ulam na kanyang itinanim sa paligid ng itinayo niyang bahay kubo sa lote ng kanyang tiyuhin.

Nang tanungin kaugnay sa mga namagitan sa kanila ni De Lima, sinabi ni Dayan na pitong taon silang nagkaroon ng relasyon ng mambabatas.

Pero tumanggi na siyang sagutin ang ilan pang tanong mula sa media ng mapunta ang usapan sa pagkakaugnay ni De Lima sa iligal na droga.

Nangako naman si Dayan na sasabihin niya ang lahat ng kanyang mga nalalaman sa isyu ng illegal drug trade sa kanyang gagawing pagharap sa imbestigasyon ng Kamara.

Pagkatapos iproseso ang ilang mga dokumento at isailalim sa medical examination ay nakatakdang i-turn over ng PNP si Dayan kay Ret. Lt. Gen. Roland Detabali na siyang Sergeant-at-Arms ng Kongreso.

 

Ronnie dayan2
Photo: Ruel Perez

TAGS: Camp Crame, de lima, dela rosa, PNP, ronnie dayan, Camp Crame, de lima, dela rosa, PNP, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.