Lacson: 3 CIDG officials na dumalo sa Senate hearing tumatanggap ng payola sa droga

By Den Macaranas November 22, 2016 - 04:47 PM

CIDG 8
Inquirer file photo

Ibinunyag ni Sen. Ping Lacson, pinuno ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na kasama ang tatlong Philippine National Police officials na humarap sa nakalipas na pagdinig ng Senado sa mga tumatanggap ng payola mula sa mga Espinosa.

Sa judicial affidavit ng suspected drug lord na si Kerwin Espinosa, kinumpirma ni Lacson na kasama ang mga pangalang Marcos, Mitra at Laraga.

Si Supt. Melvin Marcos ang sinibak na pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group sa Region 8, Si Supt. Santi Noel Mitra ang operations chief ng CIDG Region 8 samantalang si C/Insp. Leo Laraga naman ang sinasabing nakabaril kay Albuera, Leyte Mayor Reynaldo Espinosa Sr.

Ang nasabing mga opisyal rin ang nanguna sa pagsalakay sa Baybay City sub-Provincial Jail na naging dahilan ng kamatayan ng nasabing local official.

Sinabi ni Lacson na malinaw na may pinagtatakpan ang naturang mga opisyal ng PNP kaya sila na mismo ang gumawa ng paraan para maitago ang kanilang kalokohan.

Kahapon ay sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na nakausap niya si Kerwin ay kinumpirma nitona binigyan niya ng P1.5 Million si Marcos bilang suporta sa pagtakbo bilang vice mayor sa Pastrana, Leyte ng misis nito na si Maritess Marcos.

Una umanong humingi ng P3 Million si Supt. Marcos pero tinawaran nila ito kaya naibaba sa halagang P1.5 Million.

Bukas ay itutuloy ng Senado ang pagdinig sa nasabing isyu kung saan ay inaasahang makakaharap ni Kerwin ang mga pulis na nasa likod ng umano’y pagpatay sa kanyang ama.

TAGS: CIDG, espinosa, kerwin, laraga, Marcos, mitra, Senate, CIDG, espinosa, kerwin, laraga, Marcos, mitra, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.