Malacañang bumuwelta kay Ramos sa pagbatikos kay Duterte

By Chona Yu November 22, 2016 - 04:24 PM

FVR1
Inquirer file photo

Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos na malaking disappointment ang kabiguan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makadalo sa gala dinner at traditional leaders family photo opportunity sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit na ginanap sa Lima, Peru.

Paliwanag ni Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag na hindi ito sapat na sukatan para sabihing tagumpay o hindi ang unang pagdalo ng pangulo sa APEC.

Ayon kay Banaag, kanilang nirerespeto ang nasabing komento ni FVR bagama’t mayroon silang ibang paniniwala.

Ipinaliwanag ng opisyal na kumbinsido silang positibo ang naging resulta ng biyahe ng pangulo sa Peru kasama ang buong delegasyon.

Nakinabang aniya ang bansa sa mga naibahaging kaalaman ng iba’t ibang mga bansang kalahok sa APEC Leaders’ Summit partikular kaugnay sa mga makabagong teknolohiyang may kinalaman sa climate change at usaping pang-ekonomiya.

TAGS: apec, banaag, duterte, Peru, ramos, apec, banaag, duterte, Peru, ramos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.