De Lima tahimik sa pagkaka-aresto kay Ronnie Dayan

Leila de Lima1
Inquirer file photo

Naging matipid ang sagot ni Sen. Leila De Lima nang hingian ito ng reaksyon ukol sa pagkakahuli sa dati niyang driver, bodyguard at nakarelasyon na si Ronnie Dayan.

Sinabi lang ni De Lima na wala silang anumang contact ni Dayan sa matagal na panahon.

Nang banggitin naman sa kanya na maaring iharap si Dayan sa pagdinig ng Senado at Kamara ay sinabi ng senadora na ipinauubaya na niya ito sa mga nanggigipit sa kanya.

Kaugnay naman sa mga naging pahayag ni Sandra Cam ukol sa kanya, ang naging sagot ni De lima ay “hindi ho ako pumapatol sa ganyang karakter”.

Si Dayan ay sinasabing nagtago sa isang liblib na lugar sa Sitio Turod Brgy. San Felipe sa bayan ng San Juan, La Union.

Read more...