Mga impormasyon mula kay Ronnie Dayan hinihintay na ng Malacañang

By Chona Yu November 22, 2016 - 03:45 PM

malacanang-fb-07234
Inquirer file photo

Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na magiging daan para sa katotohanan sa operasyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons ang pagkakaaresto sa dating driver, bodyguard at lover ni Senador Leila De Lima na si Ronnie Dayan.

Ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary Ana Marie Banaag, welcome sa Malacañang ang pagkaka-aresto kay Dayan.

Dagdag ni Banaag, ginagawa ng pamahalaan ang mga ganitong hakbang para mapangalagaan ang susunod na henerasyon at masigurong magiging drug free society ang Pilipinas.

Idindag pa ng opisyal na pagkakataon na ito para kay Dayan na sabihin ang kanyang nalalaman kaugnay sa illegal drug trade sa bansa.

Wala pang inilalabas na pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagkakaaresto sa isa sa sinasabing susi sa kampanya ng pamahalaan sa iligal na droga.

TAGS: banaag, duterte, ronnie dayan, banaag, duterte, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.