ERC officials na hindi magre-resign pwedeng suspendihin ayon sa Malacañang
May nasisilip na iba pang opsyon ang Malacañang laban sa mga umano’y tiwaling opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) na kapit-tuko sa kanilang puwesto.
Ito ay sa kabila ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw na ang mga opisyal ng ahensya na idinawit ni Director Francisco Villa Jt. na nagpakamatay dahil sa hindi makayanang korupsyon sa kanyang tanggapan.
Ayon Presidential Communications Office Asec. Anna Marie Banaag, maari namang patawan ng preventive suspension ang mga ERC officials kung ayaw mag-resign ng mga ito.
Maari rin aniyang paimbestigahan ang mga ito sa harap ng pasiyang huwag bitiwan ang kanilang mga posisyon sa ahensiya.
Idinagdag ni Banaag na maaaring may iba pang naiisip mismo ang pangulo bilang remedyo at malalaman na lang ito ng publiko sa kanyang pagbabalik matapos dumalo sa APEC Summit sa Lima, Peru.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.