Pagkaka-aresto kay Ronnie Dayan, malaking tulong sa Bilibid drug probe ng DOJ – Aguirre

By Erwin Aguilon November 22, 2016 - 02:00 PM

Sec. Vitaliano Aguirre II | Kuha ni Isa Umali
Sec. Vitaliano Aguirre II | Kuha ni Isa Umali

Naniniwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na malaking tulong sa imbestigasyon sa kalakaran ng droga sa Bilibid ang pagkaka-aresto sa dating driver-lover ni Senator Leila De Lima.

Ayon kay Aguirre, ang pagkadakip kay Dayan ay magtutuldok at magbibigay ng mga kailangang mga detalye sa isinasagawang imbestigasyon ng DOJ.

Ito rin aniya ang pagkakataon ni Dayan para malinis ang kanyamg pangalan.

Kaugnay nito hinikayat ng kalihim si Dayan na magsabi ng lahat ng kanyang nalalaman sa isinasagawang imbestigasyon.

Si Dayan ay naaresto kaninang umaga ng pulisya sa Sitio Turod , Brgy. San Felipe, San Juan, La Union.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.