Kamara, magsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa ERC

By Isa Avendaño-Umali, Rohanisa Abbas November 22, 2016 - 11:44 AM

congress1Magsasagawa ng imbestigasyon ang Kamara ukol sa diumano’y katiwalian sa Energy Regulatory Commission ayon kay Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco, chairman ng House Committee on Energy.

Ito ay matapos ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinagbibitiw niya na ang lahat ng opisyal ng ERC na sangkot umano sa katiwalian.

Nag-ugat ito sa suicide notes na iniwan ng nagpakamatay ng ERC Director for Planning and Information Service na si Francisco Villa Jr., kung saan nakasaad na pinilit siyang pirmahan ang mga kontrata na pinili raw ni ERC Chairman Jose Vicente Salazar sa isang kwestyonableng selection process.

Ani Velasco, iimbestigahan ng Kamara ang nasabing alegasyon in aid of legislation para pag-aralan ang sistema at procedures sa loob ng Komisyon.

Maliban dito, pag-aaralan din ng mga mambabatas ang rekomendasyon ng pangulo na buwagin ang ERC at magtayo ng panibagong ahensya para sa mga tungkulin nito sa pamamagitan ng pag-amyenda sa EPIRA Law.

Nabuo ang ERC sa ilalim ng EPIRA bilang tagabantay ng mga aktibidad sa industriya ng power supply.

Samantala, nauna nang tumanggi ang mga commissioner ng ERC na magbitiw sa pwesto dahil hindi makabubuti para sa Komisyon kapag sabay-sabay silang nagbitiw.

Dagdag ng mga ito, magmumukha rin silang guilty kapag ginawa nila ang pagbibitiw sa puwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.