Publiko pinag-iingat sa pagkalat ng mga pinekeng branded na gamot

By Erwin Aguilon November 22, 2016 - 09:36 AM

FDA gamotPinag-iingat ngayon ng Food and Drug Administration ang publiko sa pagbili ng ilang branded na gamot dahil sa paglipana ng ilang pekeng produkto.

Base sa FDA advisory, kabilang sa mga nakuha nilang sample na natuklasang peke na nagkalat sa merkado ay ang Dolfenal, Tuseran Forte, Diatabs, Alaxan at Neozep.

Kamukhang kamukha ng peke ang tunay na produkto kaya mahirap para sa isang consumer na malaman kung totoo o counterfeit ang gamot.

Kaya payo ng FDA, bumili lamang ng gamot sa mga botikang otorisado ng ahensya.

Hinihimok pa ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan na siguraduhing walang counterfeit drugs ang maibebenta sa mga tindahang nasa kanilang hurisdiskyon.

Sinabi ng FDA na peligroso ang pag-inom ng peke o hindi rehistradong gamot dahil posibleng wala itong bisa o makapagpalala pa ng karamdaman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.