Ronnie Dayan, posibleng malapit nang lumutang-Sueno

By Kabie Aenlle November 22, 2016 - 04:40 AM

 

Ronnie dayanMismong si Interior Secretary Mike Sueno ang nagpahiwatig ng posibilidad na malapit nang lumantad ang dating driver at bodyguard ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Matatandaang si Dayan ay isa sa mga isinasangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Sueno, hindi naman mahalaga kung ngayon o sa susunod na linggo lalabas si Dayan, ang mahalaga aniya ay lumantad na rin ito.

Bagaman nagpahiwatig, tumanggi naman si Sueno na magbigay ng iba pang detalye tungkol dito.

Aniya, hindi pa niya masabi kung kailan talaga lalabas si Dayan dahil may mga hakbang pa silang ginagawa.

Nang tanungin siya kung kailan ang tamang panahon para lumantad si Dayan, sinabi lang niya na darating rin ang tamang panahon para dito.

Sa kabila naman ng ganitong pahiwatig ni Sueno, itinanggi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na nasa kustodiya na ng pamahalaan si Dayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.