P0.10 dagdag sa presyo ng gasolina, ipatutupad ngayong araw

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng bahagyang pag-taas sa presyo ng kanilang gasolina ngayong araw, November 22.

Batay sa kani-kanilang mga advisories, magtataas ng P0.10 ang halaga ng gasolina ng Petron, Total, Phoenix, Unioil, PTT, Shell, epektibo alas-6:00 ng umaga.

Samantala, nauna naman nang nagpatupad ng parehong price increase ang mga kumpanyang SeaOil at Flying V simula pa hatinggabi.

Huling nagalaw ang presyo ng produktong petrolyo noong November 15, kung saan nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng P0.55 hanggang P0.65 na kaltas sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene.

Read more...