Halos tumumbas na ito sa eight-year low na naitala noong November 24, 2008 noong kasagsagan ng global financial crisis.
Ayon kay Land Bank of the Philippines market economist Guian Angelo Dumalagan, bahagyang bumaba ang piso kahapon dahil pa rin sa US political uncertainties, at mga pagkabahala sa posibilidad ng pagtaas ng US interest rate sa susunod na buwan.
Tantya ni Dumalagan, ngayong araw ay inaasahang gumalaw sa 48.70 hanggang 50:$1 ang piso.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni US Federal Reserve Chair Janet Yellen na “relatively soon” na ang sinasabing rate hike.
Sa simula ng linggong ito, nagbukas ang halaga ng piso sa 49.82:$1 kasunod ng pagsasara nito sa 49.78:$1 noong Biyernes.