Intel fund sa kanilang 2017 budget, pinatatanggal ng COMELEC

By Kabie Aenlle November 22, 2016 - 04:42 AM

comelec bldgNakikiusap ang mga commissioners ng Commission on Election (COMELEC) sa Senate committee on finance na alisin ang anumang confidential o intelligence funds na inilaan para sa kanilang pondo sa susunod na taon.

Ito’y matapos malaman ng anim na commissioners ng COMELEC na inaprubahan ng Kamara ang P1 milyong halaga ng intelligence fund sa kabila ng kanilang paninindigan na huwag humingi ng ganito.

Sa liham na ipinadala nila kay Sen. Loren Legarda na pinuno ng nasabing komite, umaasa ang mga opisyal ng COMELEC na matulungan silang tiyakin na walang anumang confidential fund sa kanilang 2017 budget.

Naniniwala kasi sila na hindi naman ito kailangan at maari pa itong pagmulan ng katiwalian at korapsyon.

Nilagdaan ni commissioners Rowena Guanzon at Christian Robert Lim ang liham na may petsang October 24.

Ayon kay Guanzon, nalaman na lang nila ang tungkol dito gayong hindi naman nila ito isinama sa kanilang ipinanukalang P3.3 bilyong budget.

Alinsunod rin aniya ito sa polisiya na napagkasunduan ng mga commissioners sa en banc session noong September 6, na hindi nila kailangan ang ganitong pondo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.