Panukalang budget ng DPWH, puno ng ‘pork’ – Lacson

November 22, 2016 - 04:43 AM

 

road-constructionNakitaan ni Sen. Panfilo Lacson ng iba’t ibang “pork” at lump sum funds ang ipinanukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa susunod na taon.

Nabatid ni Lacson ang P1.525 bilyong alokasyon ng DPWH sa first legislative district ng Agusan del Norte.

Inanunsyo na aniya bago isumite ang National Expenditure Program (NEP), na hanggang P100 milyon lamang ang halaga na papayagan nilang isumite ng mga kongresista sa Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Lacson, hindi siya nakatitiyak kung para sa isang kongresista o sa isang distrito lang talaga ito nakalaan, pero sa tingin niya ay tila sobra naman yata ito.

Pero ayon kay Sen. Loren Legarda na dumi-depensa sa budget ng DPWH bilang chair ng Senate committee on finance, ang pondong ito ay bahagi ng Mindanao Logistics Program ng pamahalaan.

Paliwanag ni Legarda, hindi ito para sa proyekto ng isang kongresista.

Napansin rin ni Lacson na bukod sa P118.7 bilyong alokasyon para sa mga gusali ng paaralan sa ilalim ng budget ng Department of Education (DepEd), mayroon pang P705 milyong pondo na inilaan para sa parehong item sa DPWH.

Ayon kay Legarda, posibleng inamyendahan ito sa Kamara kaya malamang na Priority Development Assistance Fund (PDAF) ito ng mga kongresista.

Para maging mas maayos, inilipat na lamang nila ang nasabing pondo sa DepEd dahil ito naman aniya ang tamang ahensya na dapat magpatupad ng proyekto.

Kinwestyon rin ni Lacson ang 45 na lump sum items sa DPWH na nagkakahalaga ng P450 milyon bawat isa na umano’y nakalaan para sa “construction, rehabilitation of various drainage systems.”

Paliwanag ni Legarda, contingent fund sana ito pero nagkasundo sila na alisin na ito sa DPWH central office at ilaan na lamang sa mga rehiyon at distrito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.