May sabwatang nangyari sa Marcos burial-FVR

 

Kumbinsido si dating Pangulong Fidel V. Ramos na may kuntsabahan sa pagitan ng pamilya Marcos at mga opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani noong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Ramos, posible na hindi alam ng matataas na opisyal ng militar pero hindi maaaring walang alam sa nasabing libing ang ilang mababang opisyal dahil sa halatang may advance planning dito.

Hindi rin aniya siya makapaniwala na walang alam si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing libing tulad ng pinalalabas ni Presidential Spokesman Ernie Abella.

Kaugnay nito, sinabi ni Ramos na dapat na siyasatin ang nasabing kutsabahan.

Imposible ring hindi alam ng Philippine National Police (PNP) ang libing dahil agad itong nakapagpadala ng mga pulis sa gate ng LNMB kahit na abala ito sa pagdating sa bansa ng drug lord na si Kerwin Espinosa.

Una nang sinabi ni Ramos na ikinalungkot niya ang paglilibing kay Marcos sa LNMB dahil isa itong insulto sa mga sakripisyo ng mga pulis, militar, mga miyembro ng coast guard at mga beterano.

Read more...