Ayungin shoal, posibleng ideklarang protected area na rin
Pinag-aaralan na rin ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang marine protected area ang Ayungin shoal.
Kasunod na rin ito sa balak ng pangulo na ideklarang marine sanctuary area ang Panatag shoal.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, ito ay para masiguro na hindi maabuso ang yamang dagat.
Pero ayon kay Esperon matagal pa itong usapan lalo’t isang contested area rin ang Ayungin shoal.
Una rito, sinabi ng pangulo na magpapalabas siya ng Executive Order para maideklarang marine sanctuary ang Panatag shoal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.