Aguirre: “De Lima at droga walang kinalaman sa planong pagpapatalsik sa akin”

By Den Macaranas November 21, 2016 - 03:27 PM

Aguirre
Inquirer file photo

Nilinaw rin ni Aguirre na na walang kinalaman si Sen. De Lima o mga taong nasa likod ng iligal na droga sa bansa sa planong pagpapatalsik sa kanya bilang pinuno ng Justice Department.

Sa kanyang ipinatawag na press conference ngayong tanghali, sinabi ni Aguirre na may kaugnayan ito sa kanyang ginagawang paglilinis sa loob ng mismong kagawaran na kanyang pinamumunuan.

Pumasok na umano sa “second phase” ang kanyang misyon sa DOJ at ito ang paglilinis sa kanyang mismong bakuran.

Dahil sa nasabing hakbangin ay isa-isa umanong nasisiwalat ang mga katiwaliang kinasasangkutan ng mga DOJ officials partikular na ng ilang mga state prosecutors na humahawak ng mga malalaking kaso.

Ipinaliawanag ni Aguiire na dahil sa umano’y katiwalian kaya hindi umuusad ng maayos ang kanilang mga isinasampang kaso laban sa ilang mga personalidad.

Nauna dito ay ipinatapon sa Mindanao ng kalihim sina Deputy State Prosecutor Miguel Gudio at Teodore Villanueva dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ilang kaso ng katiwalian.

TAGS: aguirre, de lima, department of justice, prosecutors, aguirre, de lima, department of justice, prosecutors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.