Ramos: Hindi kami dapat sisihin sa pagpapatupad ng Martial Law

FVR
Inquirer photo

Sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos na kung anuman ang naging bahagi nila sa pagpapatupad ng martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay kanilang nabayaran na sa pamamagitan ng Edsa People Power 1.

Ipinaliwanag ni Ramos na kasama si dating Sen. Juan Ponce Enrile ay inialay nila ang kanilang buhay para sa pagsasa-ayos ng ating bansa at muling pagbuhay sa demokrasya noong mga panahong iyun.

Bago ang pangununa sa rebolusyon kontra sa dating diktador, sinabi ni Ramos na handa na silang mamatay noong mga panahong iyun para lamang sa ating bansa.

Ito ang naging tugon ng dating pangulo sa tanong ng mga mamamahayag kaugnay sa kanyang reaksyon sa hamon na dapat silang humingi ng paumanhin sa publiko kaugnay sa kanilang naging papel ni Enrile sa pagpapatupad ng batas militar.

Kung anuman ang umano ang kanilang ginawa laban sa dating Pangulong Marcos ay isang malaking sakripisyo na maituturing hindi lamang para sa kanilang mga career kundi pati na rin sa kanilang buhay.

Sa kanyang pagharap sa media, sinabi na Ramos na masama ang kanyang loob dahil binastos ng hero’s burial ni Marcos ang alaala ng mga sundalo na nagbuhos ng kanilang serbisyo para sa bayan.

Dahil sa nasabing paglilibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay mistulan na umanong inabswelto ito sa kanyang mga kasalanan sa sambayanan.

Read more...