Subpoena para kay De Lima ipinadala na sa Senado ng DOJ
Ipinadala na ng Department of Justice sa Senado ang subpoena para kay Sen. Leila De Lima para pasiputin ang mambabatas sa gaganaping preliminary investigation kaugnay sa reklamong kanyang kinakaharap.
May kaugnayan ito sa naganap na illegal drug trade sa lob ng New Bilibid Prisons noong si De Lima pa ang pinuno ng DOJ.
Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na umaasa siyang hindi babalewalain ni De Lima ang nasabing subpoena.
Samantala, muling sinabi ni Aguirre na hindi totoong hawak na ng pamahalaan ang dating driver at lover ni De Lima na si Ronnie Dayan.
Hanggang sa ngayon ay hinahanap pa umano si Dayan na malaki ang maitutulong sa kanilang ginagawang imbestigasyon kaugnay sa malawak na problema ng droga sa bansa.
Bukod kay De Lima, inaasahan rin na haharap sa preliminary investigation ng DOJ sa December 2 ang lider ng ilang mga grupo sa loob ng New Bilibid Prisons dahil sa kanilang pagkakasangkot sa illegal drug trade.
Kaninang umaga ay nagpadala rin ng team si Aguirre sa Camp Crame para kumuha ng affidavit ng suspected drug lord na si Kerwin Espinosa.
Handa na rin daw ang kanilang grupo sa kanilang muling gagawing pagharap sa Senado kaugnay sa illegal drug probe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.