P110M na halaga ng shabu, nasabat sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2016 - 01:21 PM

Inquirer Photo | Joan Bondoc
Inquirer Photo | Joan Bondoc

Aabot sa dalawampu’t dalawang kilo ng high-grade na shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng mga pilis sa isinagawang operasyon sa Guadalupe, Makati City.

Ang drug buy-bust operation ay isinagawa ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) – District Anti-Illegal Drugs (DAID).

Dalawang suspek ang naaresto at nasabat sa kanila ang malalaking pakete ng shabu na aabot sa 22 kilo at tinatayang nasa P110 milyon ang halaga.

Isinagawa ang buy-bust sa ABC Building sa EDSA-Guadalupe sa Makati City.

Nakatakdang iprisinta sa media ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga nasabat na shabu at mga naarestong suspek.

 

TAGS: ABC Building, buy bust operation, Guadalupe Makati City, shabu, ABC Building, buy bust operation, Guadalupe Makati City, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.