PNP, humingi ng paumanhin sa media sa hindi pagpapalabas ng impormasyon sa Marcos burial

By Ricky Brozas November 21, 2016 - 12:40 PM

Photo via Julliane Love de Jesus
Inquirer Photo | Julliane Love de Jesus

Hindi sinadya ng pambansang pulisya na ilihim ang araw ng paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Biyernes.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, sinunod lamang nila ang hiling ng pamilya Marcos.

Ayon kay Dela Rosa, maaaring naging magulo ang sitwasyon kung inanunsyo ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang araw ng libing.

Sinagot naman ni Dela Rosa ang naging komento ni Vice President Leni Robredo na insulto sa mga Pilipino ang tila panakaw na pagkakataon sa ginawang pagliibing kay Marcos.

Sinabi ni Dela Rosa, hindi sa PNP ang libingan, at seguridad lang ang kanilang ipinagkaloob sa nasabing okasyon.

Sikreto man aniya o hindi sikreto ang paglilibing sa dating pangulo, wala na silang pakialam dun dahil walang halong pulitika ang kanilang naging aksyon, bagkus ay serbisyo publiko lamang.

TAGS: Marcos burial, PNP, Ronald dela Rosa, Marcos burial, PNP, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.