Kerwin Espinosa, nagsabit pa ng ibang opisyal sa kanyang affidavit

By Jan Escosio November 21, 2016 - 11:26 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

May kopya na si Senator Ping Lacson ng judicial affidavit ng umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ayon kay Lacson bagaman hindi pa niya nabasa ng husto ang affidavit sinabi nito na may mga bagong pangalan na binanggit si Espinosa sa kaniyang bagong salaysay.

Dagdag pa ni Lacson na mahaba ang listahan ng mga pangalan na binanggit ni Espinosa.

Aniya ang kopya ng affidavit ay ipinadala sa kanya ng abogado ni Espinosa sa pamamagitan ng email at hindi rin siya sigurdo kung ito ba ay napanumpaan na.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. sa darating na Miyerkules, sinabi ni Lacson na maaring ang pagtatanong kay Kerwin ay base sa affidavit nito.

Dagdag pa ng senador, sinabi ni Kerwin sa kanyang affidavit na wala itong tinatawag na blue book.

Nabanggit pa ng senador na ang pagdinig sa Miyerkules ay isasagawa sa Camp Crame.

TAGS: drugs, Judicial affidavit, kerwin espinosa, panfilo lacson, drugs, Judicial affidavit, kerwin espinosa, panfilo lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.