ERC officials, pinagbibitiw lahat sa pwesto ni Pangulong Duterte

By Chona Yu, Rohanisa Abbas November 21, 2016 - 09:36 AM

ERCPinagbibitiw sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ito ay matapos ang insidente ng pagpapakamatay ni ERC Director for Planning and Information Service Francisco Villa Jr.

Sa kaniyang iniwang suicide notes, nakasaad ang pagpilit sa kanya ng isang Luis Morelos na lagdaan ang mga kontrata mula sa bids and awards committee na pinili ni ERC Chairman Jose Vicente Salazar sa isang kwestyonableng selection process.

Sa press conference sa Lima, Peru, sinabi ni Duterte na “binaboy” ng mga opisyal ang komisyon.

Ayon kay Duterte, sasampahan din ng kaso ang mga opisyal na sangkot sa diumano’y katiwalian sa ahensya. Gayunman, hindi pa pinangalanan ng pangulo ang mga ito.

Maliban dito, pinapipili rin ng pangulo ang kamara na pigilan ang pondo ng ERC o buwagin ang ERC at bumuo ng panibagong ahensya.

Matatandaan ipinag-utos din ni Duterte ang imbestigasyon sa pagpapakamatay ni Villa, ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.

Gayunman, hindi pa tiyak kung aling law enforcement agency ang magsasagawa nito.

 

 

 

 

TAGS: apec summit, breaking news, ERC offcials, Francisco Villa Jr, Lima Peru, Rodrigo Duterte, apec summit, breaking news, ERC offcials, Francisco Villa Jr, Lima Peru, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.