324 nahuli sa mas pinahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lanes

By Kabie Aenlle November 21, 2016 - 04:29 AM

Inquirer file photo

Sa loob ng isang linggong mas pinahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lanes, umabot sa 324 ang bilang ng mga pasaway na motorcycle riders ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA assistant general manager for operations Bong Nebrija, kasama rin sa bilang na ito ang mga nahuling sumusuway sa mga motorcycle-related offenses tulad ng hindi pagsusuot ng tamang gear at hindi pagbubukas ng headlights.

Ani Nebrija, tina-tally nila ang mga nasabing apprehensions at aksidente upang maipakita nila ang mga resulta sa susunod na consultation kasama ang mga motorcycle groups.

Sa unang araw ay halos 200 ang nahuli ng MMDA, pero bumaba naman ito sa mga sumunod na araw ng hanggang sa 30.

Wala ring naitalang nakamamatay na aksidente na kinasasangkutan ng mga motorcycle riders sa nagdaang linggo.

Naniniwala si MMDA spokesperson Celine Pialago na ito ay dahil sa kanilang matagumpay na information drive.

Nagalok naman ng suporta ang ilang mga motorcycle groups sa MMDA sa paghuli sa mga riders at pagtuturo sa kanila ng tamang pag-iingat sa kalsada at batas trapiko.

Sinimulan ng MMDA ang mas mahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lanes sa EDSA, Commonwealth Avenue at C5 Road at Macapagal Blvd. noong November 14 para disiplinahin ang mga riders.

Papatawan naman ng P500 na multa ang mga susuway dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.