Nanguna naman sa listahan ng gold-producing nations ang bansang China.
Naging top producer na rin ng ginto ang China noong 2012, at umakyat ang kanilang produksyon mula sa dating 12 tons, na naging 204 hanggang 397 tons noong 2013.
Ayon sa GFMS Gold Survey 2016, nakagawa ang China ng 458.1 metric tons ng ginto noong 2015, at nakapagtala rin sila ng 14 percent year-on-year record high gain.
Sinundan naman sila ng Indonesia sa ikalawang pwesto na nakapag-produce naman ng 134.3 metric tons ng ginto noong 2015.
Nasa Indonesia ang isa sa mga pinakamalalaking minahan ng ginto sa buong mundo na kilala bilang Grasberg Mine.
Nasa ikatlong pwesto naman ang Uzbekistan na nag-produce ng 83.2 metric tons ng ginto noong 2015, at sinundan ng Kazakhstan na nakagawa naman ng 47.5 metric tons ng ginto.
Sa ikalimang pwesto, ang Pilipinas ay nakagawa ng 46.8 metric tons ng ginto, na sinundan naman ng Mongolia na may 31.3 metric tons na ginto ayon din sa survey.
Bagaman itinuturing na world’s biggest buyer ng ginto, nasa 0.5 percent lang naman ang naiaambag ng India sa world gold production.